Connect with us

Quarantine team ng BAI sa NAIA, sinibak

Quarantine team

National News

Quarantine team ng BAI sa NAIA, sinibak

IPINAG-utos ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagsibak sa buong quarantine team sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay dahil sa kabiguan umano ng grupo na magpatupad ng quarantine protocols para mapigilan ang pagpasok ng pork products.

Sa kabila ng kanyang kautusan sa Bureau of Animal Industry (BAI) kaugnay nito.

Ang mga nasabing produkto ay apektado ng African Swine Fever (ASF).

Sinabi ni Piñol na sisibakin sa pwesto ang mga nasabing opisyal, epektibo mamayang ngayong ng hapon.

Maglalabas ang kalihim ng kautusan kahit pa kasalukuyan itong nasa Bicol Region para alamin mismo ang iniwang pinsala ng Bagyong Usman.

Inatasan din nito ang Internal Administrative Service ng Department of Agriculture (D.A.) na magsagawa ng imbestigasyon.

At alamin kung maaaring kasuhan ng dereliction of duty ang mga ito.

Dagdag ni Piñol, ang naturang hakbang ay malinaw na mensahe sa mga miyembro ng D.A. na hindi dapat balewalain ang mga administrative directive.

Una na rin aniyang inamin sa kanya ni BAI Acting Director Ronnie Domingo na nabigo ang NAIA quarantine group na magkaroon ng footbath facility.

Dahil sa procurement issues na tinawag na alibi ng kalihim.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top