Metro News
Quezon City, nakapagtala na ng kaso ng COVID-19 ayon kay Mayor Belmonte
May naitala ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.
Sa pagtitipon sa Quezon City Hall Plaza, inanunsyo ni Mayor Joy Belmonte na nakatanggap siya ng tawag mula sa Department of Health (DOH) na may naitala ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon kay Belmonte, mula sa unang distrito ng Quezon City ang residente na nagpositibo sa sakit.
Sa ngayon ay wala pang ibibinigay na iba pang detaltye ang alkalde ukol dito.
Muli namang ipinaalala ni Mayor Belmonte sa lahat na huwag magpanic at kung masama ang pakiramdam ay agad ng magpatingin sa doktor.