National News
Quo warranto petition vs. ABS-CBN, welcome development ayon sa isang pro-kapamilya solon
Maituturing na isang welcome development ang ng Office of the Solicitor General (OSG) laban sa franchise ng isang network giant, ayon mismo sa principal author ng ABS-CBN franchise bill.
Sa halip na batikusin ang OSG tulad ng mga kasamahan niyang kongresista ay positibo ang naging tugon ni Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa quo warranto suit laban sa ABS- CBN.
Ani Gonzales, makakatulong aniya ito sa kanilang magiging desisyon sa pagtalakay ng franchise renewal ng tv network.
Dagdag pa ng mambabatas na isa sa mga principal author ng panukala para sa pagbibigya ng prangkisa sa ABS-CBN, higit na mapagbubuti ang proseso ng paggawa ng batas na magbubunsod sa isang prankisang umaayon sa ating Saligang Batas.
“We see this process as beneficial to the House of Representatives, as any finding as a result of the said case would greatly contribute in the deliberation of the application for the renewal of ABS-CBN’s franchise,” wika ni Gonzales.
Una nang nanawagan ang ibang mambabatas sa SOLGEN na sundin na lamang ang legislative process kung saan tanging ang kongreso lamang ang may hurisdiksyon sa pagbibigay, pagrenew at pagkansela ng prangkisa.
