Connect with us

Ramon Tulfo, kakasuhan dahil sa labis na paninira kay Pastor ACQ

Ramon Tulfo, kakasuhan dahil sa labis na paninira kay Pastor ACQ

National News

Ramon Tulfo, kakasuhan dahil sa labis na paninira kay Pastor ACQ

Sobra ang paninira kay Pastor Apollo C. Quiboloy ang Facebook post na ito ng kolumnistang si Mon Tulfo.

Para sa legal team ng butihing pastor, hindi tama na idamay pa sa propaganda ang mga namayapa nang magulang ni Pastor Apollo.

Bukod sa mga magulang, idinamay rin ni Tulfo sa kaniyang paninira ang mga kapatid ng butihing pastor.

“Ang violation nito, double marites ang tawag ko, double marites! Bakit double marites? Inassume niya as true na ‘yung magulang ay first cousins at saka granting for the sake of argument nga totoo nga ‘yan, eh what value would it help to strengthen his argument, argument against pastor. And secondly, hindi rin totoo na may kapansanan sa pag-iisip ‘yung mga kapatid ni pastor at saka non-sequitur, does not follow! Granting for the sake of argument na totoo lahat ‘yan, it does not also necessarily follow na may masama ring pag-iisip si Pastor Apollo C. Quiboloy. This is like utterly libelous,” ayon kay Legal Counsel ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Atty. Israelito Torreon.

Kinuwestyon naman ng legal team ang kredebilidad ni Tulfo na nakasuhan at naaresto na rin dahil sa cyber libel.

Saad ng kampo, palalampasin nila ang Facebook post ni Tulfo bilang pag-konsidera sa edad nito.

Pero, kung talagang isusulat nito sa diyaryo ang paninira, sinisiguro ng kampo ni Pastor Apollo na tambak ang kasong kahaharapin ni Tulfo.

“Huwag namang damayin ‘yung parents niya, at saka mga kapatid niya and let’s keep the level sana of discussion respectable. Let us agree to disagree but let us not destroy the character or reputation of our fellowman.”

“There is a strong probability that Pastor Apollo C. Quiboloy will instruct me or through his leaders, they will instruct me to file cyber libel cases. Maganda rin ‘yan para magkikita din kami sa korte at makita natin ‘yung galing niya at talino niya doon sa korte,” saad pa ni Atty. Torreon.

Nasa 7-M ang kasapi ng Kingdom of Jesus Christ [KOJC] sa Pilipinas at buong mundo.

Lahat, handa na kasuhan ang nakatatandang Tulfo sa iba’t-ibang korte sa buong bansa dahil sa paninira kay Pastor Apollo.

Mataas ang paggalang ng mga kasapi ng KOJC kay Pastor Apollo, at hindi nila matatanggap ang pagyurak ninuman sa kredebilidad at pangalan ng butihing pastor.

Samantala, sinasabi ni Tulfo na mayroon siyang source ng mga paninira kay Pastor Apollo.

Isang babaeng source na hindi niya pinangalanan.

Babala naman ng kampo sa sinasabing source…

“Eh meron kaming duda kung sino ito. Eh baka nga si Blenda Portugal na naman ito o itong itong mga, baka nga lang pwede rin akong magkamali no. Pero, ‘yung mga source naman siguraduhin niyo naman na totoo ‘yang sinasabi ‘yan,” pahayag pa nito

Binalaan rin ng kampo ang mga libelous at incriminating na comment doon sa Facebook post ni Tulfo.

Lalo na’t hindi absolute ang freedom of expression at may hangganan ang paninirang puri.

“There are Supreme Court decisions which ruled to the effect that even na nag-comment ka lang, tapos irresponsible ‘yung comment mo. Pagkatapos nag-subscribe ka doon sa libelous matter, subject matter doon sa post, you may also be liable. That’s why I would request to our countrymen na dahan-dahan naman sa pag-comment po especially kung wala kayong basehan,” ani Atty. Torreon.

More in National News

Latest News

To Top