Connect with us

Ranking ng JMCFI sa top performing schools sa bansa, umangat

Ranking ng JMCFI sa top performing schools sa bansa, umangat

Kingdom News

Ranking ng JMCFI sa top performing schools sa bansa, umangat

Itinatag ang Jose Maria College Foundation Inc. (JMCFI) 22 taon na ang nakalipas.

Mula noon hanggang ngayon ay tuloy-tuloy ang pagbibigay nito ng de kalidad na edukasyon hindi lang para sa Davao Region kundi sa buong Pilipinas.

Dahil dito, batay sa pinakahuling Webometrics Ranking, nasa ika-135 na pwesto na ang JMCFI pagdating sa top performing schools sa higher education institutions sa buong bansa.

Kung ikukumpara noong taong 2023,  nasa ika-190 na pwesto lang ang nabanggit na paaralan.

Kung sa rankings naman sa buong Davao Region, nasungkit nito ang ikaanim na pwesto mula sa dating ika-walong ranking.

Batay rin sa indicators ng Webometrics, isa ang JMCFI sa daan-daang higher education institutions sa bansa na nagpakita ng exceptional performance partikular na sa web impact, academic citations, at scholarly excellence.

 

Ayon kay  Dr. Josefina Ortega, Vice President for research development and publication ng JMCFI, “It’s a big leap from 190th to 135th. The reason for that is usually because of the online presence, the visibility of JMC. 

Actually, JMC has become a word of mouth already even in Luzon, even in Visayas, so not only in Mindanao.”

 

Kasama ng JMCFI sa top 6 performing schools sa Davao Region ay ang Ateneo de Davao University, University of Mindanao, University of the Philippines-Mindanao, University of Southeastern Philippines, at University of Immaculate Conception.

 

“In that sense, we are already competing with big universities and known universities in the region.

It’s a great privilege and an honor also to be on that rank because para bang nalamangan natin konti yung schools that have been existing for more years than us or I mean 50 years or 40 years because JMC is just 22 years old,” pahayag pa ni Dr. Ortega.

 

Sa ngayon, puspusan ang paghahanda ng JMCFI para maging isang ganap na unibersidad na patuloy na magbibigay ng de kalidad na edukasyon sa mga Pilipino batay na rin sa layunin ng founding president nito na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Humigit kumulang 70% ng mga estudyante ng JMCFI ay mga scholar na libreng natatamasa ang ACQ brand of education.

Bukod naman sa integrated basic education, iba’t ibang undergraduate programs ang inaalok rin ng JMCFI kasama ang mga post-baccalaureate degree program gaya ng law at medicine.

 

More in Kingdom News

Latest News

To Top