Connect with us

“Rapid Pass System” sa mga checkpoint, pinasinayaan ngayong araw

Mala-“Martial Law”, ipatutupad kung dadami pa ang mga violators ng ECQ - PNP

COVID-19 UPDATES

“Rapid Pass System” sa mga checkpoint, pinasinayaan ngayong araw

Pormal ng pinasinayaan ang “Rapid Pass System” sa mga checkpoint ngayong araw, Abril 3.

Ito ang inanunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, na may layong mapabilis ang sistema ng pag check ng mga sasakyan at mababawasan din ang person-to-person contact sa mga frontliners na gumagawa ng kritikal na serbisyo sa  mga checkpoint.

Paliwanag ni Nograles, gagamit ang mga frontliners sa mga checkpoints ng QR code scanners na nasa smartphones  at isa-scan ang unique QR codes na ibibigay sa mga authorized individuals o vehicles.

Ang Rapid Pass ay pwedeng i-request ng mga frontliner o authorized personnel sa pamamagitan ng website na rapidpass.ph, maaaring sa desktop o mobile device.

Paglilinaw ni Nograles, available para sa lahat ang rapidpass pero hindi naman ito nire-require na gamitin at pwede pa ring magpakita ng ID o dokumento para makadaan sa checkpoint.

Continue Reading

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top