Connect with us

Rappler, isang multong kumpanya – Jay Sonza

Rappler, isang multong kumpanya – Jay Sonza

National News

Rappler, isang multong kumpanya – Jay Sonza

Isang multong kompanya ang Rappler ayon sa isang beteranong mamahayag na si Jay Sonza.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Sonza na ito ay dahil hindi na kinikilala ang Rappler sa batas ng Pilipinas.

“Uulitin ko ‘yun, multong kumpanya sapagkat wala na ho ‘yung kumpanyang ‘yan, hindi na ho recognize ‘yung kumpanya, pursuant to the laws and the constitution of the Republic of the Philippines,” ani Sonza.

Pagdating naman sa kasong cyber libel ng co-founder at chief executive officer ng Rappler na si Maria Ressa at Reynaldo Santos, sinabi ni Sonza hindi nagkamali ang RTC Branch 46 sa desisyon nito na dapat sila ay maparusahan at makulong.

“Pero, with respect to whether there was an abuse of discretion in the matter of granting of the decision convicting Maria Ressa and Rey Santos Jr., eh walang pagkakamali, tama ‘yung mga ipinatupad na batas at desisyon na dapat sila ay parusahan nang pagkakulong,” dagdag pa ng beteranong mamamahayag.

Napag-alaman na taong 2020 pa pinatawan ng parusa ng lower court sina Ressa at Santos dahil sa paglathala ng Rappler ng mapanirang artikulo laban sa negosyanteng si Wilfredo Keng.

Nakasaad sa artikulo na si Keng ay kabilang sa mga ilegal na gawain gaya ng human trafficking, murder at pagpupuslit ng ilegal na droga at pekeng sigarilyo.

Nilinaw naman ni Sonza na hindi ginigipit ng gobyerno si Ressa sa karapatan nito sa pamamahayag ngunit nagkasala ito dahil sa mga mapanirang estorya laban sa negosyanteng si Keng.

 

 

More in National News

Latest News

To Top