National News
Re-electionists, nangunguna parin sa “Halalan 2022 NCR survey”
Nangunguna parin sa mayoralty race para sa 2022 election ang mga re-electionist sa 16 na mga lungsod sa Metro Manila.
Ito ang lumabas na resulta sa isinagawang “Halalan 2022 NCR survey” ng Rep-Mission and Development Foundation INC. o RPMD mula December 16 hanggang 23 noong nakaraang taon.
Sa survey, nakakuha ng 62% si Quezon City Mayor Joy Belmonte habang 35% naman sa katungali nito na si Anakalusugan Party-List Rep. Mike Defensor.
Malakas pa rin ang supporta kay Pasig City Mayor Vico Sotto na may 70% laban sa challenger na si Vice Mayor Iyo Bernardo na may 27% voters preference.
Sa Marikina City, si Mayor Marcy Teodoro pa rin ang wagi na may 52% laban kay Cong. Bayani Fernando na may 43%.
Tiyak naman ang panalo si Mayor Emi Calixto-Rubiano na may 87% laban sa mga contenders na sina Edward Togonon (6%) at Richard Advincula (4%).
Kasama din sa mga incumbent mayors na nangunguna ay sina Abby Binay ng Makati City na may 90%, Imelda Aguilar ng Las Piñas na may 86%, Ike Ponce III ng Pateros (84%), at Francis Zamora ng San Juan (80%).
Nangunguna din sa pagka-alkalde si Rep. Weslie Gatchalian ng Valenzuela City (88%), Benjamin Abalos Sr. sa Mandaluyong (85%), Rep. Lani Cayetano sa Taguig (68%), Rep. Eric Olivarez ng Paranaque (67%), at Jeannie Sandoval (50%) sa Malabon.
Si Vice Mayor Honey Lacuna naman ang nangunguna sa lungsod ng Maynila na may 53% kumpara kay Rep. Amado Bagatsing na may 28% at Alex Lopez 12%.
80% din ang nakuha ni Navotas Rep. John Rey Tiangco at 75% kay Caloocan Rep. Along Malapitan.
Malayo din ang 69% na nakuha ni Rep. Ruffy Biazon na tumatakbo sa pagka-alkalde sa Muntinlupa City kumpara sa 26% ng kanyang kalaban na si Marc Red Marinas.
