National News
Red Cross, may sapat na blood supply para sa dengue patients
Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) na may agarang mapagkukunan ng dugo at tulong ngayong tumataas ang dengue cases sa bansa.
Ayon sa PRC, laging available sa mga dengue patient ang kinakailangan nilang dugo para gumaling.
Sapat din ang blood supplies sa iba’t ibang branches ng ahensiya sa buong bansa at handa rin silang mag-deliver kung kinakailangan.
Samantala, ayon sa Department of Health (DOH), ang kaso ng dengue ngayon sa Pilipinas ay mataas ng 33% kumpara sa kaparehong panahon noong 2023.
