Connect with us

Red-letter day: Kaarawan ni Pastor ACQ, ipinagdiwang kasama ang mga kabataan sa iba’t ibang bansa

Red-letter day: Kaarawan ni Pastor ACQ, ipinagdiwang kasama ang mga kabataan sa iba't ibang bansa

Kingdom News

Red-letter day: Kaarawan ni Pastor ACQ, ipinagdiwang kasama ang mga kabataan sa iba’t ibang bansa

74 na taon ang nakalipas, noong April 25, 1950, ibinigay sa atin ng makapangyarihang ama ang kanyang pinakamahalagang regalo na sagisag ng kanyang perpektong kalooban sa lupa.

Si Pastor Apollo C. Quiboloy ay isang ordinaryong tao na may pambihirang layunin, isang respetadong mangangaral ng salita ng diyos, na hindi lamang nagbibigay ng mensahe para tularan ng iba, kundi, upang isabuhay ito.

Ang kaarawan ni Pastor Apollo, kilala rin bilang adopted birthday ng mga bata sa buong mundo ay tungkol sa pagpupuno sa puso ng isa’t isa ng kagalakan, paggawa ng mga alaala na hindi malilimutan ng mga batang ito kapag sila ay lumaki.

Sa pamamagitan ng inspiring leadership ni Pastor Apollo at dedicated volunteers, ang pagmamahal at kabutihan ay saganang naipalaganap sa pagdiriwang ng ACQ-International Children’s Day (ICD) 2024.

Ang selebrasyong ito ay higit pa sa 1 araw na puno ng pagkain, kasiyahan, at mga regalo.

Dito sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound sa Catitipan, Davao City, magkakasama ang mga boluntaryo na nag-organisa ng mga masasayang aktibidad at nagtaguyod ng ‘spirit of giving’ sa mga bata mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay.

Mayroong parade, booth fair, feeding at gift giving at marami pang iba.

Bukod dito, ay isinagawa rin ang ACQ-International Children’s Day sa iba pang parte ng Davao tulad ng Tamayong, Indangan, at iba pa.

Gayundin sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas gaya ng Kitbog sa Sarangani Province, sa Kitaotao, Bukidnon at iba pang parte ng Mindanao, Visayas at Luzon.

Ang pag-ibig ni Pastor sa mga kabataan, ay kanya ring ipinalaganap sa ibang bansa sa pamamagitan pa rin ng ACQ-ICD.

Kabilang dito sa…

  • Hong Kong
  • Taiwan
  • Macau
  • Malaysia
  • Japan
  • Thailand
  • Cambodia
  • South America (Brazil)
  • USA
  • United Kingdom
  • Indonesia
  • Middle East (Dubai, Qatar, Kuwait)
  • Kenya
  • Central America (Honduras)
  • Australia
  • Canada
  • Europe (Spain)

at marami pang iba.

Ang ACQ-ICD ay hindi lamang ginawa ngayong taon, bagkus, mahigit dekada nang ginagawa ni Pastor Apollo. Mula sa Pilipinas, Luzon, Visayas at Mindanao hanggang sa iba’t ibang parte ng mundo.

Sa espesyal na araw na ito, ipinahayag ng marami lalo na ng mga “kabataan” ang kanilang taos-pusong pasasalamat para sa lawak ng pag-ibig ni Pastor Apollo na sumasaklaw sa buong sangkatauhan.

Tuloy-tuloy ang ibat ibang aktibidad dito sa Davao City para sa kaarawan ni Pastor Apollo.

Tunay ngang ang buhay ng ating buting pastor ang “greatest blessing” sa mundo lalo na sa mga kabataan.

More in Kingdom News

Latest News

To Top