Connect with us

“Red tape”, nakikitang pangunahing rason bakit walang investors sa Pilipinas – survey

"Red tape", nakikitang pangunahing rason bakit walang investors sa Pilipinas – survey

National News

“Red tape”, nakikitang pangunahing rason bakit walang investors sa Pilipinas – survey

Naniniwala ang nasa 56% ng mga Pilipino na ang kumplikadong panuntunan at regulasyon gaya ng red tape at pabago-bago na polisiya ng pamahalaan ang rason kung bakit walang maraming foreign investors sa Pilipinas.

Batay ito sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula March 6 – 10, 2024.

Nasa 55% rin ang naniniwala na ang mahigpit na panuntunan hinggil sa foreign ownership ang rason kung bakit inaayawan ang Pilipinas sa investments.

Samantala, mayroon ring 46% na korupsyon ang nakikitang rason bakit walang investors sa bansa; 40% ang naniniwala na ang kawalan ng sapat na transportation infrastructure ang dahilan; 37% ang naniniwala na ang mataas na singil sa kuryente ang balakid; at 32% dahil sa kawalan ng sapat na telecommunication infrastructure.

Habang nasa 21% sa mga respondent ang naniniwala na ang pagkakaroon ng hindi sapat na investor incentive ang rason dito.

More in National News

Latest News

To Top