Connect with us

Regional consultations, gagawin para sa TPB Plan program – DOLE

Regional consultations, gagawin para sa TPB Plan program – DOLE

National News

Regional consultations, gagawin para sa TPB Plan program – DOLE

Magsasagawa ng regional consultation ang National Economic and Development Authority (NEDA) para matugunan ang mga nakikitang problema hinggil sa Trabaho Para sa Bayan Plan program (TPB).

Ang magiging resulta nito ay isusumite kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma.

Isa sa target ng programa sakaling maipatupad na ito ang magbigay trabaho sa mga disadvantaged at at-risk groups gaya ng Persons Deprived of Liberty (PDL), kabataan at mga kababaihan.

Inihayag naman ng DOLE na ang sektor tulad ng health-related services, tourism, construction, information technology-business process outsourcing, energy, agriculture, education at creative industries ang nakikita nilang may malaking potensyal na makapagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top