Connect with us

Regular na ugnayan sa labor groups, dapat isagawa para iwas aklas

Dapat may ugnayan sa mga labor group sakaling may ipapalabas na mga memo at iba pa. Ito ang tiniyak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma

National News

Regular na ugnayan sa labor groups, dapat isagawa para iwas aklas

Dapat may ugnayan sa mga labor group sakaling may ipapalabas na mga memo at iba pa.

Ito ang tiniyak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma sa panayam ng Sonshine Radio para tuloy-tuloy na maiwasang hindi magkaroon ng welga o rally mula sa mga manggagawa.

“Mahalagang component ‘yan, bahagi ‘yung konsultasyon palagi kung ano ‘yung mga polisiya o ano ‘yung mga issuances na ipalalabas ng Department of Labor and Employment. So, malaking bahagi na dapat ay laging mayroong ugnayan,” ani Laguesma.

Kung mapapansin, kakaunti lang ang mga nangyayaring labor strike sa ilalim ng Duterte administration.

Ngayon, isa sa nais matutukan ni Laguesma ang hindi maging sagabal o maabuso ang legitimate contracting out arrangement sa mga manggagawa.

“Kinikilala naman po ‘yung legitimate, uulitin ko lang po, legitimate contracting out arrangements. Ang nakita ko lang through the years parang nagkaroon ng abuses ‘yung ibang mga employers sa paggamit ng ganyang arrangements. Dapat po hindi maging kasangkapan ‘yung tinatawag na kontrata na merong fixed term na anim na buwan ay hindi dapat maging sagabal upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga manggagawa na maging regular, mai-entitle sila sa tinatawag na kasiguruhan sa trabaho,” dagdag pa ni Laguesma.

Ang legitimate contracting out arrangement ay legal na six months term sa pagtatrabaho.

More in National News

Latest News

To Top