Connect with us

Rehabilitasyon ng EDSA, uumpisahan bago ang Semana Santa

Rehabilitasyon ng EDSA, uumpisahan bago ang Semana Santa

National News

Rehabilitasyon ng EDSA, uumpisahan bago ang Semana Santa

Sisimulan bago pa mag Semana Santa ang rehabilitasyon ng EDSA ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Partikular na gagawin ito sa kalagitnaan ng Abril at magtatagal hanggang Nobyembre.

Uunahin sa rehabilitasyon ang northbound lane ng Balintawak, Quezon City hanggang sa Monumento.

Paliwanag pa ng ahensya, hindi rin nila paabutin ng Disyembre ang rehabilitasyon na ito sa northbound dahil inaasahan ang pagsikip ng daloy ng trapiko dala ng holiday season.

Ngunit nilinaw ng DPWH na aasahang sa unang bahagi pa ng taong 2027 makukumpleto ang rehabilitasyon ng buong kahabaan ng EDSA northbound at southbound.

Samantala, ang Semana Santa ay mag-uumpisa sa Abril 13 – Abril 20, 2025.

More in National News

Latest News

To Top