National News
Reintegration process ng nag-balik loob na mga rebelde, inaabot ng taon – Capt. Buscato
Inaabot ng taon ang proseso ng reintegration para sa mga rebelde na nag-balik loob sa pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Capt. Ferdinand Buscato ng Task Force Balik-Loob sa panayam ng Sonshine Radio.
“Kasi ‘yung tinatawag natin na reintegration process, it entails years, kasi po isipin natin, matagal sila doon. And then, here comes they have got their 2ND wind within the government. And, dapat bigyan natin sila ng self-confidence let them take off out of their own,” ani Buscato.
Sa ilalim ng aabot na sa 23,641 na mga dating rebelde ang sumuko na sa kamay ng gobyerno kasabay nito ang pagsuko sa 4,022 na mga armas.
Dagdag pa ni Capt. Buscato, marami na sa mga kabataang sumasama sa pakikibaka ang naka-balik na sa kanilang mga magulang.
Base naman sa tantya ng Task Force Balik-Loob, nasa mahigit 3,000 ang nasa mga kabundukan pa at nagdadala ng armas.
“So, kung estimate po namin dito, kung base sa mga reports na aming natatanggap, at least as of 2021, there are still around mga 3,500 armed regulars,” dagdag pa ni Buscato.
Sa ngayon, sama-sama ang Armed Force of the Philippines, Task Force Balik-Loob at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict upang labanan ang recruitment ng New People’s Army para wala nang maloko ang mga ito.
