Connect with us

Rekomendasyon na magpa-drug test ang mga artista, suportado ng PNP

Suportado ng PNP ang rekomendasyon ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na isailalim sa drug test ang mga artista.

National News

Rekomendasyon na magpa-drug test ang mga artista, suportado ng PNP

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang rekomendasyon ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers na isailalim sa drug test ang mga artista.

Ito ay matapos maaresto sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) ang artista na si Dominic Roco kamakailan.

Ayon kay Azurin, dapat magsilbing mabuting ehemplo ang mga artista lalo na sa pag-iwas sa iligal na droga.

Kasabay nito, umaasa si Azurin na boluntaryong isasailalim ng mga artista ang kanilang sarili sa drug test.

Mainam din aniya kung gagawa ng hakbang ang iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak na hindi gumagamit ng iligal na droga ang kanilang mga tauhan.

More in National News

Latest News

To Top