COVID-19 UPDATES
Relief packs, ninakaw ng NPA sa Eastern Samar
Sinalakay at ninakaw ng mga Communist New People’s Army Terrorist (CNTs) ang mga relief goods para sa mga nangangailangan sa Sitio Bangon, Barangay Guinmayohan sa Eastern Samar noong Abril 7.
Ayon sa mga witness, namamahagi ang mga barangay officials ng relief goods sa mga residente nang biglang sumalakay ang 30 rebelde sa pamumuno ni Gavino Guarino alyas Mael at sapilitang kinuha ang naturang mga relief pack.
Dahil dito nagkaroon ng malaking kakulangan ng relief package para sa mga benepisyaryo ng tulong ng pamahalaan.
Ayon sa report, ang mga naturang CNTs ay sinasamantala ang krisis na dala ng sa pamamagitan ng paghahanap ng mga lugar kung saan namamahagi ng tulong ang gobyerno at ninanakaw ito para sa kanilang mga interes.
Matatandaan na nagkaroon ng gitgitan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde noong Abril 7 sa Brgy. Lakandula, Las Navas Northern Samar kung saan una nang nagsumbong ang mga residente na pumupunta at pwersahan umanong nangingikil ang mga NPA sa kanilang lugar.
Mariin naman itong kinundena ni Colonel Camilo Z. Ligayo, commander ng 801st Infantry Brigade, at sinabing hindi ito ang panahon ng pagpapahirap sa mga tao lalo na’t Holy Week
“This is a time to help our people and not to add to their burden. What the NPA did is pure robbery during the Holy Week. These terrorists who believe in no god robbed the poor people of their food in this time of Covid-19 crisis,” saad ni Ligayo.
Tiniyak naman ni Ligayo na makakamit ang hustisya at mapaparusahan ang mga gumawa ng krimeng ito.
“We condemn this dastardly act of the NPA in Northern and Eastern Samar, and we assure our people that your soldiers will bring these criminals to justice. To the NPA, stop oppressing the people!,” dagdag pa ni Ligayo.