National News
Master plan para sa mga biktima ng Taal eruption, pinatututukan sa Kamara
Pinatututukan ngayon ni Bahay Partylist Rep. Naealla Bainto Aguinaldo ang paglikha ng relief, rehab at resettlement plan para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal lalo na sa Batangas.
Mahigit sa isang buwan mula nang sumabog ang bulkan, pinakikilos ng kongresista ang mga ahensya ng pamahalaan upang bumuo ng komprehensibong plano taglay ang total financial requirements para sa rehabilitasyon.
Giit ni Aguinaldo, hindi lamang dapat sa restoration ng mga tinamaang gusali at imprastraktura ang gawin dito ng pamahalaan kundi pati narin ang pagbibigay suporta ng mga local government units sa mga “high risk areas” para sa agarang responde sakaling sumabog muli ang bulkan.
“Congress recognizes that these efforts will require funding, which is why there is universal support for a supplemental budget to get Batangas and other affected areas back on their feet,” wika ni Aguinaldo.
Dahil dito, inihain ng kongresista ang House Resolution No. 699 na humihimok sa mga key government agencies na madaliin ang pagbuo ng long-term plan para sa mga naapektuhan ng taal.
“Now that PHILVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) has lowered the Alert Level from 4 to 3, the priority now is to accurately evaluate the extent of the damage as a whole so that a comprehensive long-term plan can be put together at the soonest possible time,” dagdag pa ng mambabatas.
Aniya, sa ganitong paraan ay magiging aral na sa lahat ang nangyaring pagsabog ng bulkan para sa pagpapalago ng disaster resilience and response plan ng bansa.
