Connect with us

Religious gatherings at work meetings, pwede na sa ilalim ng GCQ – Malacañang

Binira ni Palace Spokesman Harry Roque ang mga komento ng ilang mga senador sa ulat ng pagtatapon ng mga Chinese vessel ng dumi ng tao sa West Philippine Sea (WPS).

National News

Religious gatherings at work meetings, pwede na sa ilalim ng GCQ – Malacañang

Maaari nang magsagawa ng religious activities at work meetings sa ilalim ng .

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Malacañang press briefing kanina, Abril 30.

Pero paglilinaw ni Roque na hindi pa rin pinahihintulutan ang lahat ng mass gatherings maliban na lamang sa religious at essential work activities.

Aniya, mahigpit pa ring ipatutupad ang social distancing rules kasabay nang pagpayag sa mga nasabing aktibidad.

Dapat ipatupad ang hindi bababa sa dalawang metro ang layo ng dalawang indibidwal sa mga religious gatherings.

“Yung pagbabawal po sa mass gatherings ay applicable po pero yung mga essential work gatherings and religious activities, pupwede na pong magpatuloy, provided na may social distancing na at least two meters,” paliwanag ni presidential spokesman Harry Roque.

Sa public transportation naman, dapat sundin ang isang metrong layo sa physical distancing.

“Sa transporatsyon, one meter, sa religious and work meetings dapat two meters ang distansya.”

Paalala naman ni Roque na ang bawat indibidwal na pupunta sa mga mahahalagang pagtitipon, dapat ay magsuot pa rin ng face masks at iba pang kinakailangang protective equipment sa buong gathering.

Samantala, nanawagan naman si DILG Secretary Eduardo Año sa mga religious leader na gumawa ng plano kung paano ipatutupad ang social distancing.

More in National News

Latest News

To Top