Connect with us

Renewable energy sources, sagot sa kakulangan ng suplay ng kuryente – Sen. Lapid

Renewable energy sources, sagot sa kakulangan ng suplay ng kuryente – Sen. Lapid

National News

Renewable energy sources, sagot sa kakulangan ng suplay ng kuryente – Sen. Lapid

Malaki ang maitutulong ng paggamit ng renewable energy sources sa nararanasang brownouts sa Negros Occidental, Panay Island at iba pang lugar sa bansa.

Ito ang Sinabi ni Sen. Lito Lapid sa kanyang pagbisita sa Negros Occidental kamakailan.

Aniya magandang pag-ibayuhin ang paggamit ng renewable energy gaya ng solar, wind, alon at iba pang sources.

“Kung tutuusin, bilang tropikal na bansa, masuwerte pa ang Pilipinas dahil sa sagana sa sikat ng araw. Kailangan lang na mas maraming mag-invest na mga pribadong kumpanya sa solar industry para makatugon sa kakapusan ng suplay ng kuryente,” ayon kay Sen. Lito Lapid.

Sa gitna ng matinding tag-init, sinabi ni Lapid na maaaring i-harvest o ipunin ang sikat ng araw sa pamamagitan ng solar panels na siyang magiging suplay sa power grid sa isang bayan o lalawigan.

Sa pagbisita sa Bacolod City at Himamaylan, Negros Occidental, napag-alaman ni Lapid na madalas magkaroon ng brownouts sa Western Visayas dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

“Sana wag na pong maulit ang nangyaring brownouts sa Iloilo noong January hanggang March 2024. Kung walang suplay ng kuryente, walang negosyo, walang trabaho at walang kita ang ating mga kababayan. Kaya naman importante ang bastanteng power supply para sa katatagan at kaunlaran ng bansa,” dagdag pa nito.

Umaasa si Lapid na sana ay hindi na muling mangyari ang naging brownout sa Iloilo na tumagal mula buwan ng Enero – Marso.

More in National News

Latest News

To Top