National News
Renewal ng mga permit, lisensya at prangkisa, pinalawig hanggang sa katapusan ng Abril
Pinalawig ng Departmentment of Transportation (DOTR) ang deadline para sa renewal ng mga permit, lisensya at prangkisa mula sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito ay sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.
Ayon kay DOTR Assistant Secretary Goddess Libiran, inatasan na ni DOTR Secretary Arthur Tugade sina LTO Asec. Galvante at LTFRB Chairman Delgra na mag-isyu ng direktiba sa lalong madaling panahon sa pagpapalawig ng deadlines para sa renewal ng mga permit, lisensya at mga prangkisa sa katapusan ng Abril.
Ani Libiran, resulta ito ng pakikipag-uusap ni Sec. Tugade kay Senate Pres. Tito Sotto.
Una nang sinabi ni Sotto na nangako si Tugade sa kanya na palalawigin ang mga nasabing renewal.