National News
Rep. Alvarez, “censure” at ‘di “suspension” ang ibinigay ng Kamara kaugnay sa pahayag niya kay PBBM
“Censure” ang ibinigay ng Kamara laban kay Davao Del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez.
Kaugnay ito sa umanoy hindi kaaya-ayang pahayag ng kongresista laban sa Marcos administration na inihain ni Tagum City Mayor Rey Uy.
Ang “censure” ay 1 uri ng pagsaway kung saan ipinapahayag ng Kamara ang matindi nilang pagsalungat sa ginawa ng 1 kongresista.
Mas mababa na ito kumpara sa unang rekomendasyon ng house committee on ethics and privileges na isuspinde si Alvarez sa loob ng 60 araw.
Magugunitang sa isang rally na ginagawa noong April 14 sa Tagum ay hinikayat ni Alvarez na talikuran na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Pangulong Bongbong Marcos Jr.
