Connect with us

Rep. Barbers, sinampahan ng libel ng social media influencers

Rep. Barbers, sinampahan ng libel ng social media influencers

National News

Rep. Barbers, sinampahan ng libel ng social media influencers

Sinampahan ng patung-patong na kasong libel si Rep. Ace Barbers ng ilang social media influencers sa Quezon City Prosecutor’s Office ngayong Miyerkules, Marso 5, 2025.

Kabilang sa mga nagsampa ng kaso sina Dr. Lorraine Badoy, Atty. Trixie Cruz-Angeles, Krizette Chu, Cathy Binag, Joie De Vivre, MJ Quiambao Reyes, Mark Anthony Lopez, at iba pa.

Nag-ugat ang reklamo mula sa mga paratang ni Barbers na tinawag ang grupo bilang mga “narco vloggers” at may koneksyon umano sa Philippine offshore gaming operators (POGO), mga paratang na mariing itinanggi ng mga influencers.

Ayon sa kanila, walang basehan ang mga pahayag ng kongresista at labis itong nakaapekto sa kanilang reputasyon at kabuhayan.

Dahil dito, naghain sila ng kasong libel upang ipagtanggol ang kanilang pangalan at papanagutin si Barbers sa kanyang mga alegasyon.

More in National News

Latest News

To Top