Connect with us

Rep. Sandro Marcos at US President Biden, nagkatagpo

Nagkamayan sina Presidential Son at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos at US President Joe Biden.

National News

Rep. Sandro Marcos at US President Biden, nagkatagpo

Nagkamayan sina Presidential Son at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos at US President Joe Biden.

Nangyari ito sa sidelines ng pagkikita nila Biden at Pangulong Bongbong Marcos sa New York.

Sa facebook post ng batang Marcos, nakalagay sa caption ang katagang ‘POTUS’ o President of the United States.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na nakasama ni Sandro ang kanyang amang si PBBM sa mga state visit matapos ang naunang pagbisita ng pangulo sa Indonesia at Singapore.

Nauna nang sinabi ni PBBM sa isa sa kanyang mga vlog na ipinapakita nito kay Sandro kung paano ang pag-handle sa mga state visit gaya nang panahon niya noon sa kanyang ama na si former President Ferdinand E. Marcos Sr.

Pabiro pang sinabi ni PBBM na baka magkaroon ng sariling state visit si Sandro sa hinaharap kaya ngayon palang ay natututo na ito ng maaga.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top