Connect with us

Rep. Sandro Marcos, sinagot ang naunang pagtutol ni Sen. Imee Marcos sa MIF

Rep. Sandro Marcos, sinagot ang naunang pagtutol ni Sen. Imee Marcos sa MIF

National News

Rep. Sandro Marcos, sinagot ang naunang pagtutol ni Sen. Imee Marcos sa MIF

Sinagot ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang naunang pagtutol ni Sen. Imee Marcos hinggil sa panukalang Sovereign Wealth Fund (SWF) ng Pilipinas na tatawaging Maharlika Investment Fund (MIF).

Nauna kasing sinabi ni Sen. Imee na kinakabahan ito sa sinusulong na panukala dahil hindi napapanahon ang paglikha ng sovereign wealth fund ngayong malaki ang utang ng Pilipinas.

“Ako kinakabahan sapagka’t sa panahong ito na ang sama ng ekonomiya pati ang World Bank sabi bagsak na bagsak sa susunod na taon sa 2023. Sa kalagitnaan, lalala pa raw. Diyos ko! Papaano na lang tayo,” saad ng senadora.

Ginawa naman ni Sen. Imee ang paunang komento noong hindi pa niya nababasa ang nilalaman ng MIF.

Ang komentong iyon ay welcome development kay Congressman Sandro dahil lalong mapagtitibay ang panukala at ang safeguards na pinalalagay ng kanyang tiyahin ay mailalagay.

“I think it’s good that she has reservations about the bill because it makes sure that the legislation is more robust. It ensures that the safeguard that she was worried about are actually put up,” ani Rep. Sandro.

Tiniyak naman ng batang Marcos na may check and balances ang MIF na sinusulong nila para matiyak na maayos ang pamamahala sa investments.

More in National News

Latest News

To Top