Connect with us

Repatriation ng mga Pinoy sa Afghanistan, pinabibilisan

Hinimok ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang DFA at Department of Labor and Employment (DOLE) na bilisan ang repatriation ng mga Pinoy

National News

Repatriation ng mga Pinoy sa Afghanistan, pinabibilisan

Hinimok ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na bilisan ang repatriation ng mga Pinoy na naiipit ngayon sa kaguluhan sa Afghanistan matapos muling makubkob ng Taliban Group ang nasabing bansa.

Ayon kay Tolentino, dapat paspasan ng DFA at DOLE ang paglikas sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa nasabing bansa sa gitnang Asya matapos i-takeover ng mga Taliban angpresidential palace at ang buong kapitolyo nito sa Kabul.

Laman din ngayon ng balita ang pagtakas ni Afghan leader Ashraf Ghani papunta sa kadikit nitong bansa sa Tajikistan matapos kubkobin ng mga Taliban ang Kabul nitong Agosto 16.

Base sa ulat ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad, Pakistan, tinatayang nasa 200 mga Pinoy pa ang nasa Afghanistan—karamihan ay nagtatrabaho bilang mga hotel manager, propesor, accountant, company managers, at inhinyero.

Tinatayang nasa 75 na mga Pinoy ang kasalukuyang naka-abang sa gagawing unang batch ng repatriation, ayon sa DFA.

Samantala, nailikas na ang 32 Pilipino mula sa Afghanistan.

Ayon sa DFA, sa ngayon ay nasa Doha, Qatar na ang mga Pilipino at naghihintay na lamang ng kanilang flights pauwi ng Pilipinas.

Sinabi ng DFA na nakatakda ring umalis sa Afghanistan sa lalong madaling panahon ang grupo ng 19 pang Pilipino.

Ang evacuation ay kasunod ng pag-isyu ng DFA ng alert level 4 o mandatory repatriation ng 130 Pinoy sa Afghanistan dahil sa tumitinding giyera sa pagitan ng Afghan authorities at Taliban fighters.

More in National News

Latest News

To Top