Connect with us

Repatriation ng mga Pinoy sa cruise ship mula Japan, naudlot

2 tripulante ng MV Diamond Princess, nagpositibo sa COVID-19

National News

Repatriation ng mga Pinoy sa cruise ship mula Japan, naudlot

Naudlot ang na­ka­tak­dang pag-uwi kahapon ng mga Pinoy crew ng MV Diamond Princess na nasa Japan.

Ayon sa Department of Health (DOH), napagkasunduan ng task force na bigyang daan ang Japanese health authorities na tapusin ang laboratory testing kung mayroong may sintomas o nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Nilinaw ng DOH na hindi pa nakokompleto ang la­boratory testing ng mga Filipino crew at ang Japanese quarantine protocols.

Sinimulan aniya ang testing noong Biyernes ngunit dahil sa dami ng mga repatriates ay hindi agad natapos ang pagsusuri.

Bukod pa rito, nagkaroon ng long weekend off ang mga Japanese personnel noong Pebrero 22-23 kung kaya’t walang ground handlers sa airport na pupuntahan ng mga repatriates.

 

Mga Pinoy sa cruise ship, target pauwiin bukas ng pamahalaan

Muling itinakda ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation sa mga Pilipinong sakay ng M/V Diamond Princess Cruise Ship na nasa Japan, bukas araw ng Martes, Pebrero 25.

Ito ay batay sa tweet kahapon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Nagkataon na ang nasabing petsa ay araw naman ng paggunita sa 34th anniversary ng EDSA People Power Revolution.

Una nang ipinagpaliban ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IAFT-EID) ang naka-schedule sanang repatriation kahapon ng mahigit 400 Pinoy crew members.

Samantala, tiniyak naman ng DOH na tanging ang mga Pilipino lamang na magnenegatibo sa virus ang ililikas at iuuwi ng bansa habang ang mga makikitaan ng sintomas ng sakit ay ika-quarantine sa medical facility sa Japan.

Matatandaang nasa 52 Pinoy sa cruise ship ang nagpositibo na sa COVID-19 at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan sa Japan.

More in National News

Latest News

To Top