Connect with us

Resolusyon kaugnay sa paglilinaw sa papel ng Senado sa mga treaty na pinasok ng bansa, ‘di pinaboran ni Sen. Bato

Welcome para kay Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa ang pronouncement ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala ng mangyayaring ceasefire ang gobyerno sa New People's Army hanggang sa huling termino nito sa taong 2022.

National News

Resolusyon kaugnay sa paglilinaw sa papel ng Senado sa mga treaty na pinasok ng bansa, ‘di pinaboran ni Sen. Bato

Tinutulan ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang resolusyong naaprubahan sa Senado na naglalayong magkaroon ng malinaw na papel ang mataas na kapulungan ng Kongreso sa mga tratadong pinapasok ng Pilipinas.

Sa naging panayam ng Sonshine Radio kay Sen. Bato, inihayag nitong hindi na kailangan pang makialam ng Senado lalo na’t nakasaad naman sa konstitusyon na ang pangulo ang may otoridad at kapangyarihang magdesisyon sa mga ganitong usaping.

Giit pa ni Dela Rosa na hindi man ito isang abogado ay malinaw sa kaniya ang nakasaad sa batas at ano ang nararapat.

“Well, nakita ko kasi Mike na very clearly-written ang ating constitution. nakasabi doon lahat. Matagal na iyang pina-practice between the executive and legislative, Na ang power of abrogation is solely, doon ‘yan sa executive branch. So, i don’t see any reason bakit pa magtanong sa supreme court.”

Kahapon nang naaprubahan na sa Senado ang resolusyong inihain ni Senate President Vicente III na humihiling ng malinaw na papel ng Senado sa mga pinapasok na Tratado ng Pilipinas.

Isa naman si Dela Rosa sa 7 nag-abstain sa naturang resolusyon.

More in National News

Latest News

To Top