National News
Resolusyon na layong palawigin ang validity ng ABS-CBN franchise hanggang 2022, inihain sa Kamara
Inihain sa Kamara ni Cebu Rep. Raul del Mar ang House Joint Resolution no. 28 na layong palawigin ang validity ng franchise ng ABS-CBN na mapapaso na sa Mayo 4.
Ginawa ang hakbang matapos ang paghahain ni Senator Franklin Drilon ng panukala na nagbibigay sa Kamara ng sapat na panahon para talakayin ang ABS-CBN franchise.
Layon naman ng resolution na palawigin pa ng Kongreso ang validity ng kasalukuyang franchise ng giant network hanggang June 30, 2022.
Ito ay upang matiyak na tuluy-tuloy ang operasyon ng Lopez-Led company habang dinidinig ng kongreso ang renewal ng franchise nito.
Agad namang na-i-refer sa House Committee on Legislative Franchises ang joint resolution.