Connect with us

Resulta ng 2019 bar examination, mas mataas kumpara noong nakaraang taon

National News

Resulta ng 2019 bar examination, mas mataas kumpara noong nakaraang taon

Mas mataas ang bilang ng mga pumasa sa 2019 bar examination kumpara noong nakaraang taon.

Batay sa inilabas na resulta ng Supreme Court, 27.36% o 2,103 mula sa 7,685 examinees ang pumasa sa exam.

Higit limang porsyento itong mas mataas kumpara 22.07 percent result noong 2018 bar examination.

Samantala, mula sa orihinal na 75 percent na passing grade ay napagkasunduan ng supreme court en banc na ibaba ito sa 74 percent dahil na rin sa iba’t ibang konsiderasyon.

Bilang pagtalima naman sa umiiral na enhanced community protocols tulad nalang ng social distancing ay walang nangyaring paglalabas ng resulta ng exam sa tanggapan ng korte suprema na naka-ugalian na.

Nanguna naman sa bar exam si Mae Daine Azores ng University of Santo Tomas sa Legazpi City na may average na 91.04 percent.

Habang pasok rin sa top 10 sina Princess Fatima Parahiman ng University of The East, Myra Baranda ng University of Santo Tomas sa Legazpi City, Dawna Fya Bandiola ng San Beda College Alabang, Jocelyn Fabello ng Palawan State University, Kenneth Glenn Manuel ng University of Santo Tomas, Rhowee Buergo ng Jose Rizal University, Anton Luis Avila ng Saint Louis University, Jun Dexter Rojas ng Polytechnic University of the Philippines, at Bebelan Madera ng University of St. La Salle.

para naman sa mga nakasali sa passers list, hintayin na lamang ang susunod na anunsyo para sa clearance procedure, oath taking ceremony at roll signing.

More in National News

Latest News

To Top