Connect with us

Resulta ng 2nd autopsy sa bangkay ng middleman sa Percy Lapid case, ilalabas na

Inaasahan na lalabas na ngayong araw ang resulta ng 2nd autopsy sa bangkay ng middleman sa Percy Lapid Slay na si Jun Villamor.

National News

Resulta ng 2nd autopsy sa bangkay ng middleman sa Percy Lapid case, ilalabas na

Inaasahan na lalabas na ngayong araw ng Biyernes ika-28 ng Oktubre ang resulta ng 2nd autopsy sa bangkay ng middleman sa Percy Lapid Slay na si Jun Villamor.

Ayon kay Justice Sec. Boying Remulla, maaaring mismong si Forensic Expert Dr. Raquel Fortun ang mag aanunsyo nito ngayong araw.

Matatandaang ginawa ang 2nd autopsy matapos itong hilingin ng pamilya ni Percy Lapid sa DOJ.

Hindi kasi kumbinsido ang Mabasa Family sa resulta ng unang autopsiya kung saan lumabas na walang external physical injuries ang middleman.

Hindi naman inaalis ni Remulla ang posibilidad na sinadya ang pagpaslang sa middleman base sa testimonya ng kapatid nitong babae.

Samantala, Nakapagbigay na ng testimonya ang 4 na persons of interest sa Percy Lapid Case sa NBI.

Ang 4 ay mga inmates mula sa New Bilibid Prison.

Tumanggi naman ang mga awtoridad na ipaalam sa media ang laman ng kanilang testimonya.

Sa ngayon 8 persons of interest ang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Ang 4 ay hawak ng NBI, 3 ay hawak ng PNP, at 1 ay hawak ng military.

More in National News

Latest News

To Top