Connect with us

Resulta ng autopsy report ng estudyante na namatay umano sa sampal, inilabas na

Resulta ng autopsy report ng estudyante na namatay umano sa sampal, inilabas na

National News

Resulta ng autopsy report ng estudyante na namatay umano sa sampal, inilabas na

Inilabas na ng PNP Forensic Group ang resulta ng autopsy report ng estudyante na namatay umano sa sampal ng isang guro sa Antipolo City.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Forensic Group director Police Brigadier General Constancio Chinayog Jr. na lumabas sa kanilang pagsusuri na namatay si Francis Jay Gumikib dahil sa Intracerebral Hemorrhage Edema.

Sa paliwanag ni Police Lieutenant Colonel Maria Analiza Dela Cruz, Chief ng Rizal Police Forensic Unit naging sanhi ng Intracerebral Hemorrhage Edema ay ang pagputok ng ugat at pagdurugo ng utak.

Hindi pa isinapubliko ng Forensic Group ang kabuuan ng autopsy report dahil kailangan pa itong ipaalam sa pamilya.

Samantala, hindi naman kinumpirma ng pulisya kung ang sinasabing pananampal ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top