Connect with us

Resulta ng fingerprints nina Mayor Guo at Alice Leal Guo, dadalhin na sa senado

Resulta ng fingerprints nina Mayor Guo at Alice Leal Guo, dadalhin na sa senado

National News

Resulta ng fingerprints nina Mayor Guo at Alice Leal Guo, dadalhin na sa senado

Nakatakda ng isumite ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pamunuan ng senado ang mismong kopya ng resulta ng fingerprint matching analysis o pagkukumpara sa mga fingerprints nina Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at 1 nagngangalang Alice Leal Guo.

Gagamiting basehan ng mga senador ang naturang dokumento sa pagpapatuloy ng senate hearing sa July 10.

Kahapon ay kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago na hindi tumugma o magkaiba ang fingerprint ng alkalde duon sa fingerprint ni Alice Leal Guo na kumuha ng clearance nuong 2005 na may address sa 138 Calantiao Street, Project 8 Quezon City.

Dahil hindi nagtugma ang fingerprints ng alkalde at ni Alice Leal Guo ay maaari na anyang muling tutukan ang imbestigasyon sa mayor na una ng nag-mature sa fingerprint ng Chinese na si Guo Hua Ping.

Magugunitang kinuwestyon ang identity ng pangalawang Alice Guo matapos matukoy na pareho ang kanilang birthday ni Mayor Guo na July 12, 1986 at birthplace sa Bamban, Tarlac.

More in National News

Latest News

To Top