National News
Resulta ng pag-aaral sa bisa ng lagundi at VCO sa COVID-19, ilalabas sa Hulyo
Sinabi ni Phil Council for Health Research and Dev. Exec. Dir. Dr Jaime Montoya na ilalabas na ng DOST ang resulta ng pag-aaral sa bisa ng Lagundi at Virgin Coconut Oil (VCO) bilang potensyal na gamot sa COVID-19.
Una nang sinabi ni DOST Chief Fortunato Dela Peña na ang clinical studies sa paggamit ng VCO laban sa COVID-19 ay makukumpleto na sa pagtatapos ng Hunyo habang sa Lagundi ay nasimulan noon pang Oktobre.
Nakumpleto ang phase 2 ng VCO trials noong Nobyembre habang ang completion ng hospital-based clinical trials ay dapat na magtapos sa Mayo 31, 2021.
Noong 2020 sinabi ng DOST na pinag-aaralan ang paggamit ng tawa-tawa para sa mga pasyenteng may COVID-19 habang Nobyembre sinabi ni Montoya na ang phase 1 clinical trials ng tawa-tawa ay sinimulan na.
