Connect with us

Resulta ng Sampaloc Hard Lockdown hindi pa malinaw –Mayor Isko

National News

Resulta ng Sampaloc Hard Lockdown hindi pa malinaw –Mayor Isko

Hindi pa malinaw ang naging epekto ng hard lockdown na ipinatupad sa Sampaloc Maynila.

Ayon kay Maynila City Mayor Isko Moreno, hindi pa nito masasabi kung may malaking impact ito sa paglaban nila sa kontra COVID-19 dahil hindi pa lumalabas ang covid test result.

Sinabi pa ng alkalde na may pagbabago naman aniya sa ugali ng mga residente.

Samantala, pinaplantsa na rin ng kanilang team ang ipapatupad na hard lockdown sa district 1 ng tondo maynila na nakatakdang isagawa sa mayo a-2 hanggang a-tres o a-tres hanggang a-kwatro.

Lumalabas sa kanilang datos na ang tondo ang pumapangalawang may pinakamaraming kaso ng covid-19 at ecq violators.

Sa ngayon, sinabi ni moreno na inaayos pa nila ang mga maapektuhang establisyemento tulad ng fish port, cargo trucks na nagbibiyahe ng mga goods sa divisoria.

Hinahanda na rin aniya ang mga food supplay na ibabahagi sa mga residente na mai-iipit sa lockdown.

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top