National News
Resupply missions ng BFAR sa WPS, hindi matitinag, ihihinto
Magpapatuloy ang resupply mission ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippine Sea (WPS).
Itoy kahit naiulat na inagaw ng China Coast Guard (CCG) ang food supplies na nakalaan sana para sa mga pilipinong sundalo na naka-destino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay BFAR Spokesperson Nasser Briguera, sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa ang WPS kung kaya’t walang makapipigil sa kanila na maghatid ng suplay.
Tiniyak lang ni Briguera na paiigtingin pa nila ang kanilang monitoring sa katubigan na sakop ng EEZ.
May inilaan na rin ang pamahalaan na P3-B para sa regulatory at law enforcement programs ng BFAR sa WPS.