National News
Retail price ng baboy sa pamilihan sa NCR, nasa P420 na
Umabot na hanggang P420-kilo ang presyo ng retail price ng baboy sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Batay ito sa monitoring ng Department of Agriculture (DA) kasunod sa impormasyon na ilang traders ang sangkot sa overpricing ng mga baboy.
Noong may 20 ay nasa P400 palang anila ito.
Ayon kay DA Usec for Livestock Deogracias Victor Savellano, sapat ang suplay ng baboy sa bansa kung kayat nararapat na mababa lang sana ang retail price nito.
Dahil dito, hinikayat ng DA at iba pang kaugnay na ahensya na magsagawa na nga ng inspeksyon hinggil sa traders na sangkot sa overpricing.
