Connect with us

Retirement benefits ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales, dapat nang isauli – PNP

Retirement benefits ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales, dapat nang isauli – PNP

National News

Retirement benefits ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales, dapat nang isauli – PNP

Ipinasasauli na ng Philippine National Police (PNP) sa dating pulis na si Wilfredo Gonzales ang natanggap nitong retirement benefits.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Retirement and Benefits Administration Service Director Police Brigadier General Niño David Rabaya na mahigit P500-K ang kinakailangang ibalik ni Gonzales.

Sakop nito ang taong 2016 – 2018.

Sa datos ng PNP, taong 2016 nang magretiro sa serbisyo si Gonzales matapos maabot ang mandatory retirement age na 56 taong gulang.

Pero taong 2018 nang matigil ang pagtanggap nito ng benepisyo makaraang ma-dismissed sa serbisyo.

Matatandaan na si Gonzales ang dating pulis na nanakit at nagkasa ng baril sa isang siklista sa Quezon City.

More in National News

Latest News

To Top