Connect with us

Rider na nagpanggap na sundalo, nag-surrender na – SPD

Rider na nagpanggap na sundalo, nag-surrender na – SPD

Metro News

Rider na nagpanggap na sundalo, nag-surrender na – SPD

Nag-surrender na ang motorcycle rider na nasangkot sa isang road rage incident kasama ang isang nakasibilyan na pulis sa Makati kamakailan.

Nitong August 31, sa Makati Police Station nag-surrender si Angelito Rencio ayon kay Southern Police District (SPD) Director PBGen. Roderick Mariano.

Nag-surrender si Rencio kasunod sa inihaing reklamo laban sa kanya upang maipaliwanag ang kanyang panig.

Kasalukuyang naka-kustodiya si Rencio sa Makati City Police Station.

Matatandaang sa kwento ni Police Staff Sergeant Marsan Dolipas, pinagsabihan lang aniya si Rencio na hinay-hinay sa pagmamaneho dahil muntikan na niyang mabangga ang motorista.

Imbis na maayos kausap ay nag-dirty finger pa si Rencio at ipinakita ang kanyang baril.

Ayon kay Dolipas, apektado siya sa nag-viral video dahil sinasabing abusado siya na pulis na kung tutuusin aniya ay wala siyang ginawang masama.

More in Metro News

Latest News

To Top