Connect with us

Rightsizing sa DSWD, di dapat ikapangamba – Sec. Gatchalian

Rightsizing sa DSWD, di dapat ikapangamba – Sec. Gatchalian

National News

Rightsizing sa DSWD, di dapat ikapangamba – Sec. Gatchalian

Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian na hindi dapat na mag-alala ang mga tauhan sa ipinatutupad na rightsizing at streamlining sa ahensya.

Ayon kay Gatchalian, hindi apektado ng rightsizing at streamlining ang mga tauhan at empleyado ng DSWD dahil sa ang katotohanan ay kulang ang bilang ng mga tauhan ang ahensya at patunay nito ay humingi na ng tulong ang kalihim sa Department of Budget and Management (DBM) para magkaroon ng plantilla position.

Aniya ito ay dahil sa patuloy na lumalaki ang departamento sa mga nakalipas na taon kung kaya’t nangangailangan ang DSWD ng mga tauhan.

Sa ambush interview matapos ang pagtalakay sa 2024 budget ng DSWD, sinabi ni Gatchalian na pawang mga assistant secretaries ng ahensya ang nagbitiw sa tungkulin kamakailan.

“Baka mag-panic sila, hindi sila kasama doon, gusto nga ni Senador Raffy Tulfo gawin silang regular para magkaroon ng security of tenure at ang sinabi nitong rightsizing ay para lamang sa mga Asst. Secretary na sabay-sabay ng courtesy resignation,” ayon kay Sec. Rex Gatchalian

Aniya, 20 Asst. Sec ang sabay-sabay na naghain ng pagbibitiw sa tungkulin at isa-isa pang pinag-aaralan ang iba pa.

Samantala, pinag-aaralan naman ng DSWD ang 1.4-M na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Programs (4Ps) kung sinu-sino ang dapat maalis o manatili na makatanggap ng naturang benepisyo.

Ayon pa kay Gatchalian, 700-K indibiduwal ang kasalukuyang sinusuri ng ahensya kung dapat na maibalik at makatanggap muli ng benepisyo ng 4Ps.

Aniya, karamihan sa mga ito ay dating tumanggap ng benepisyo noong bago at pagkatapos ng COVID-19 pandemic kung saan marami ang dumaing na nawalan ng trabaho at naging mahirap muli.

Sinabi pa ni Gatchalian, na nasa 4.4-M na ang bilang ng benepisyaro ng 4Ps, 1.4M families ang nire-reassess ng DWSD at nanganganib na mawala sa listahan sa 4Ps.

More in National News

Latest News

To Top