Connect with us

RITM, maaari nang maka-detect ng sakit na monkeypox

RITM, maaari nang maka-detect ng sakit na monkeypox

National News

RITM, maaari nang maka-detect ng sakit na monkeypox

May kakayahan na ngayon ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na maka-detect ng mga kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Ito ay matapos matagumpay na ma-optimize ng RITM ang kanilang ang teknik ng pagkolekta ng datos sa pamamagitan ng PCR process o ang tinatawag na Real-Time PCR Assay.

Ito ang ginagamit para sa detection o pagkilala sa monkeypox virus bilang bahagi ng national preparedness at response efforts ng pamahalaan. 

Kasalukuyan namang ino-optimize ng RITM Technical Team ang pangalawang PCR Assay para sa pagkakaiba ng monkeypox virus clade.

Gayunpaman, sinabi ng RITM na tanging suspect cases at may mga referal ang ipoproseso alinsunod sa Department of Health memorandum.

Dagdag pa ng RITM, nagsasagawa ngayon ang Department of Health ng clinical approach to skin lesions maging sa pagkolekta, paghawak at pagpapadala ng samples mula sa skin lesions upang magabayan ang lahat ng disease reporting units at epidemiology and surveillance units.

Base naman sa case classification ng DOH hinggil sa monkeypox, ang mga may sintomas tulad ng pananakit ng ulo, lagnat, pananakit ng muscles at likod, pananamlay at lymphadenopathy ay maituturing na “suspected case”.

Habang ikokonsidera bilang “probable case” ang mga nagkaroon ng face-to-face exposure sa kumpirmadong kaso ng virus at may travel history sa mga bansang may kaso ng monkeypox, kung makakaramdam ng mga sintomas nito sa loob ng 3 linggo o 21 araw.

More in National News

Latest News

To Top