Regional
Rizal Provincial Police Office, nakahuli ng mahigit 2-M halaga ng iligal na droga sa loob lamang ng 1 linggo
Tinatayang aabot sa mahigit 2-M halaga ng iligal na droga ang nasabat sa anti-illegal drugs operations ng Rizal Provincial Police Office (PPO) sa loob lamang ng 1 linggo.
Sa nasabing operasyon naaresto din ng Rizal Provincial Police Office ang 40 personalidad.
Ayon kay Rizal PPO Director Col. Felipe Maraggun ito ay mula sa 24 na anti-illegal drugs operations ng ibat-ibang police station sa lalawigan kung saan nakakumpiska ang grupo ng mahigit 300 gramo ng iligal na droga.
Ang pinakamalaki rito ay ang buy-bust operation sa Barangay Pagasa, Binangonan Rizal kung saan nakuha mula sa isang high value target ang nasa mahigit 1-M halaga ng iligal na droga.
Maliban dito naaresto din ng mga operatiba ng Rizal PPO ang 5 persons in possession of loose firearms, 15 ang naaresto dahil sa illegal gambling at 40 wanted persons.