Connect with us

Robin Padilla, aayusin ang Philippine justice system sakaling maging senador

Robin Padilla, aayusin ang Philippine justice system sakaling maging senador

National News

Robin Padilla, aayusin ang Philippine justice system sakaling maging senador

Isa ang justice system ng bansa sa nais na ayusin ni Robin Padilla sakaling palarin na maging senador sa darating na halalan.

Sa isang eksklusibong panayam ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa SMNI Exclusives kagabi, Abril 5, ipinunto ni Padilla na pagdating sa krimen ay hindi dapat mahigpit sa mga mahihirap.

“Dapat po ang sentensya nito, mas mababa kaysa doon sa mayaman. Kasi ‘yung mayaman, wala naman siyang problema eh, para pumasok siya sa ganoong negosyo. Puera na lang kung itong mahirap, yumaman na, ‘yun pa rin ang negosyo, ay hind puede. Kailangan ‘yung mga first offender, ‘di dapat natin ‘yan pinahihirapan, mahirap na ‘yan eh,” ani Padilla.

Paliwanag senatorial aspirant, madalas lumalabag sa batas ang mga mahihirap dahil na rin sa estado ng kanilang buhay.

Ipinunto din ni Padilla na sakaling ipatupad ang death penalty ay dapat ipataw ito sa mga taong totoong masama o may malakas na kagustuhan na gawin ang krimen.

Sa kabila nito ay nilinaw ni Padilla na upang mabawasan ang krimen ay hindi sapat na justice system lamang ang babaguhin.

‘Kailangan sa lahat ng bagay, ‘yung taong, wala ka namang problema sa pera eh, bakit ka pumasok sa negosyong ‘yan, mayaman ka na eh, may pera ka, pumasok ka pa sa negosyong ‘yan. Aba’y dapat ka na talaga masestensyahan ng kamatayan, dahil masyado ka ng masama,” dagdag pa nito.

Mahalaga aniya na baguhin ang tao sa tulong na rin ng mga nakapalibot sa kanya o ng kanyang komunidad.

Kinokonsidira din niya na tutukan ang values formation ng mga Pilipino upang mabawasan ang krimen.

 

More in National News

Latest News

To Top