Connect with us

Robin Padilla, kasama na sa senatorial lineup ng BBM-Sara Uniteam

Robin Padilla, kasama na senatorial lineup ng BBM-Sara Uniteam

National News

Robin Padilla, kasama na sa senatorial lineup ng BBM-Sara Uniteam

Kumpleto na ang senatorial lineup ng tambalan nina Presidential Candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice Presidential Candidate Davao City Mayor Sara Duterte para sa 2022 elections.

Sa ginawang BBM-Sara Uniteam rally sa Paoay Sand Dunes, Ilocos Norte, inanunsiyo ni Mayor Sara si Robin Padilla bilang ika-12 senatorial candidate ng Uniteam.

Kasama din sa bumubuo sa senatorial lineup ng Uniteam ay sina Mark Villar, Atty. Harry Roque, Herbert Bautista, Gibo Teodoro,  Deputy Speaker Loren Legarda, Atty. Larry Gadon, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Migz Zubiri, Gringo Honasan, Jinggoy Estrada at Dante Marcoleta.

Samantala, inindorso ng ruling political party sa Cebu province na pinapangunahan ni Gov. Gwen Garcia si Mayor Sara duterte para sa pagka pangalawang pangulo sa susunod na election.

Ang Cebu ang may pinakamaraming botante sa bansa na umaabot sa 3.2 million.

More in National News

Latest News

To Top