Connect with us

Robredo, hinamon si BBM sa isang debate

Robredo, hinamon si BBM sa isang debate

National News

Robredo, hinamon si BBM sa isang debate

Hinamon ni Vice President Leni Robredo ang kapwa nito kandidato na si former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa isang debate.

Ayon kay VP Leni, mainam na humarap si BBM sa publiko sapagka’t naniniwala ito na hindi pa naririnig ng taumbayan si BBM na makipag-debate kasama ang ibang kandidato.

Dagdag pa ni VP Leni, gusto niyang matanong ng personal si BBM tungkol sa mga isyu niya sa buhay.

Sa ngayon, nakapag-pasya na rin si VP Leni na hindi muna dadalo sa presidential panel interview ng COMELEC na ipapalabas sa May 2-6 sa tulong ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Ani Leni, mas bibigyan niya ng prayoridad ang kanyang mga naka-schedule na kampanya para makasama ang kanyang mga supporter.

Naniniwala rin si VP Leni na naihayag na niya ang kanyang track record, plataporma at prinsipyo sa mga nagdaang panel interview.

Samantala, mababatid na humarap na si BBM sa publiko sa pamamagitan ng SMNI Presidential Debate kung saan humarap ito sa mga dalubhasa at sinagot ang iba’t ibang napapanahong isyu.

More in National News

Latest News

To Top