National News
Roque: “Kapag may nangyari kay VP Sara, suspek si Marbil”
“I am on the record on saying kapag may nangyari kay VP Sara suspek si Marbil”
‘Yan ang naging pahayag ni Dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa ginawang pagbabawas ng Philippine National Police (PNP) ng 75 police personnel mula sa security detail ni Vice President Sara Duterte at sa naging open letter ng pangalawang pangulo sa PNP Chief.
Ayon kay Roque, magkakaroon ng impresyon ang taumbayan na kaya tinanggalan ng security personnel ang bise ay para mailagay sa panganib ang buhay nito.
“Iisipin ng mga tao, ah kaya pala tinanggalan ng pulis para magkaroon ng pagkakataon na mapatay si VP Sara. That’s on him. I am on the record on saying kapag may nangyari kay VP Sara suspek si Marbil,” ani Roque.
Napag-alaman na ang mga tinanggal na security personnel ni VP ay ang matagal nang nagbibigay ng seguridad sa bise presidente.
Ang iba pa nga ay bahagi ng kaniyang security noong siya ay alkalde pa ng Davao.
Malinaw ayon kay Roque na may pinaplano laban kay VP Sara, “Ang seguridad kapag hindi mo pinagkakatiwalaan ang nagbibigay ng seguridad wala karing seguridad. Ang importante hindi lang merong taong nagtalaga na magbantay sayo kung hindi mas importante na pinagkakatiwalaan mo ang mga nagbabantay sayo ako malinaw baka may plano sila laban kay VP SARA at laban sa lahat sa amin na tinanggalan ng security. Kaya nga po para sa amin ang unang suspek po diyan ay yong mga nagtanggal ng aming mga tao na nagbibigay seguridad, obvious naman yon.”
Nagbigay din ng pahayag si Roque sa pagpunta ng PNP sa tinitirhan ng bise para siya ay i-casing gaya ng nabanggit ng bise sa kaniyang open letter.
Aniya, maaaring maging bahagi ng kanilang plano kay VP Sara ay paratangan at pagbintangan ng kung anong krimen ang ikalawang pangulo.
Saad pa ni Roque, “Bakit itinuturing na kalaban ang ating vice president samantalang siya ang pangalawang mataas na opisyales. Yong katunggali na si Leni noong panahon ni dating Presidente Duterte. Ang alam ko diyan ni minsan hindi yan tinuring na banta para i-casing ang kaniyang pamamahay. So ngayon talaga malinaw na baka meron talaga silang mga plano na sa susunod na mga panahon ay pagbintangan, bigyan ng paratang ng krimen laban kay VP Sara at tuluyan ng arestuhin.”
“Nandiyan din sympre ang usap- usapan na dahil siya ay idinawit ng mg teroristang CPP NPA doon sa kasong nakabinbin ngayon kay dating Presidente Duterte sa ICC na mukhang at lumabas naman alinsunod dito sa revelation na cinicasing ang bahay niya mukha talagang may intensyon na ipakulong ang mag amang Duterte sa gayon yong kanilang, politics harraasment talaga ang nangyayari.”
Si Marbil, iwas naman sa media nang hingan ito ng panig hinggil sa naging open letter sa kaniya ng pangalawang pangulo at sa payo nito na laging magsabi ng tototo para hindi magkanda-buhol ang mga kwento nito.
“Hindi lamang ‘yan kabastusan, ‘yan ay napakalaking paglabag sa karapatang pantao. Dahil ang karapatang magkaroon ng pananampalataya at kumilala ng Pastor, kabahagi ng karapatang ng malayang pananampalataya. Freedom of religion. At ‘yan po ay nakakalungkot dahil ang kapulisan sila dapat ang nagpapatupad ng batas at nagsisiguro na ang kapulisan ay nirerespeto ang karapatang pantao by way of example yong pagtawag ni Marbil kay PACQ na hindi siya Pastor. ‘Yan ay ehemplo na dapat labagin ang karapatang tao na magkaroon ng malayang pananampalataya,” saad pa ni Atty. Roque.