National News
Roque, sinabing huwag siyang sisihin sa pagtaas ng OFW payment hike
Hindi dapat ako ang sisihin sa pagtaas ng premium contributions ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Philhealth.
Ito ang iginiit ni Presidential Spokesperson kaugnay sa isyu ng pagtataas ng contribution ng mga OFWs sa Philhealth.
Bagama’t siya ang author ng Universal Healthcare Act, dapat aniya sagutin ng Philhealth ang isyu at hindi siya ang sisihin.
Aniya, hindi rin kasama ang pagtaas ng Philhealth premiums ng OFWs sa gusto niyang mangyari sa ilalim ng batas.
Sa ngayon, tumaas mula 2.75% – 3% ang premium contribution ng OFWs na may sahod na P10,000 – P60,000 kada buwan.
Kaya naman, tinutulan ito ng ilang OFWs sa pamamagitan ng online petition dahil hindi sila pabor sa Philhealth.