Connect with us

Roque, sinagot ang mga puna hinggil sa umano’y madalas na foreign trips ni PBBM

Sinagot ni Atty. Harry Roque ang mga kritiko na panay ang puna sa palaging pag-alis ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa bansa.

National News

Roque, sinagot ang mga puna hinggil sa umano’y madalas na foreign trips ni PBBM

Sinagot ni Atty. Harry Roque ang mga kritiko na panay ang puna sa palaging pag-alis ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa bansa.

Aniya, maliban sa ipinapakilala pa ni PBBM ang kanyang sarili bilang bagong pangulo ng bansa, ang foreign trips na pinuntahan rin nito ay pawang mga importante naman para sa Pilipinas.

“Ang mga pinuntahan namang mga trips ng presidente ASEAN, APEC, UN, China. Halos lahat po ‘yan, talagang mga trips na kinakailangang talagang puntahan. Hindi ka pu-pwedeng mag-absent sa ASEAN. Nakakahiya naman kung mag-aabsent ka sa APEC, kasi pati mga US president umaatend d’yan. Tapos ‘yung state visit naman natin sa Indonesia, talaga namang traditional po ‘yan na ang lahat ng presidente sinisimulan ang kanilang termino sa pagbibisita sa pinakamalapit na bansa sa atin sa ASEAN lalong-lalo na ang Indonesia, sinabayan na rin ‘yan ng Singapore,” ayon kay Atty. Harry Roque

Hinggil sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sinabi ni Roque na bagama’t hindi masyadong importante ay kailangan pa ring pumunta dahil kalahok dito ang iba’t-ibang malalaking negosyante sa buong mundo.

‘Yung Davos is talagang private trip ‘yan, bagama’t sa tingin ko hindi siya absolutely necessary ‘eh isipin niyo na lang. Lahat po ng mga hepe ng pinakamalalaking negosyo sa mundo nandodoon sa Davos. Bakit hindi mo pupuntahan para ibenta ang Pilipinas? ‘Di ba po,” Harry Roque

Ang madalas na pagbiyahe ay senyales na rin sa muling pagbabalik-normal mula sa mahigit dalawang taong COVID-19 pandemic.

More in National News

Latest News

To Top