Connect with us

Rowena Guanzon, bumoto pabor sa diskwalipikasyon ni BBM

Rowena Guanzon, bumoto pabor sa diskwalipikasyon ni BBM

National News

Rowena Guanzon, bumoto pabor sa diskwalipikasyon ni BBM

Inihayag ni Commission on Election (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na siya ay bumoto pabor sa diskwalipikasyon ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa panayam ng GMA news, sinabi ni Guanzon na talagang may moral turpitude ang kaso ni Bongbong Marcos base sa hawak nilang ebidensiya at sa batas.

Nakasaad sa Omnibus Election Code ng COMELEC na ang lahat ng nahatulan ng 8 buwan na pagkakakulong ay diskwalipikadong tumakbo sa anumang posisyon maliban lamang kung nabigyan ito ng amnestiya.

Ibinunyag din ni Guanzon na alam na ng buong COMELEC ang kanyang desisyon at ito aniya ang dahilan kung bakit wala pang inilalabas na resolusyon ang first division.

Sinabi pa ni Guanzon na tila hinihintay ang kanyang pagretiro sa Pebrero 2 upang tabunan ang kanyang desisyon hinggil dito.

Pero hindi aniya sila magtatagumpay dahil Enero 17 pa siya nagsumite ng kanyang desisyon.

Batay aniya sa natanggap niyang impormasyon, may nag-iimpluwensiya sa kasamahan niyang commissioner o nakiki-alam hinggil sa nasabing isyu.

More in National News

Latest News

To Top