Connect with us

Rules of Court, dapat nang amyendahan ng Korte Suprema – Remulla

Rules of Court, dapat nang amyendahan ng Korte Suprema – Remulla

National News

Rules of Court, dapat nang amyendahan ng Korte Suprema – Remulla

Dapat nang amyendahan ng Korte Suprema ang Rules of Court.

Ito ang sinabi ni incoming Department of Justice (DOJ) Secretary at Cong. Boying Remulla sa one-on-one interview ng Honorary Chairman ng SMNI na si Rev. Dr. Pastor Apollo c. Quiboloy sa SMNI Exclusives.

Ani Remulla, nasasayang ang resources ng pamahalaan sa nangyayaring postponement sa mga hearing na umaabot pa ng 10 beses.

Bilang susunod na kalihim ng DOJ, sinabi ni Remulla na dapat maging mabilis ang disposisyon ng mga kaso at pakawalan ang dapat palayain.

Aniya pa, pag-uusapan pa nila ni President-Elect Bongbong Marcos ang pagbibigay ng amnestiya upang masolusyonan ang ibang problema sa bansa at mabawasan ang mga tao na lumalaban sa pamahalaan.

Umapela naman si Remulla sa sambayanang Pilipino na magkaisa at makipagtulungan upang may maipamana ang magandang bansa sa susunod na henerasyon.

More in National News

Latest News

To Top